The Diary Game Season 3 [06-26-2022] || Ang Dinaluhan naming Variety Show, Sobrang Saya Talaga namin - Salamat sa Dios! 😇

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang mga pangyayari sa ating mga buhay ay siyang nagbibigay sa atin ng mga karanasan upang maipagsasalamat natin sa ating Panginoong Dios. Talaga naman pong walang makakapantay sa saya at galak kung ang lahat ng mga nangyari sa atin ay para sa Dios at sa kanyang kaluwalhatian.

Kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang dinalohan namin kasama ang aking mga matalik na kaibigan at mga kasamahang youth sa isang Variety na ginanap sa isang Church sa Dalipuga Iligan City.

20220626_214259.jpg

Bawat isa nga sa atin ay merong mga talento na nararapat lamang na ating ipagpasalamat at iaalay sa Dios dahil ang lahat ng ito ay galing sa Kanya at para lang sa Kanya.

Nitong nagdaang biyernes meron kaming dinaluhang isang Variety Show na kung saan mga isang buwan pa lang ang nagdaan ay inimbitahan na ako at noong biyernes nga ay nangyari na ito. Mga hapon noong araw na iyon ay nasa isang beach resort pa kami noon kasama sina Ptra @emzcas at sir @dan.yap dahil nagbonding muna kaming mga young adults at dahil rest day din ni sir Dan sa kanyang trabaho. Doon nga ay nagpahangin kami at nagsagawa ng isang simpling picnic at mga picture taking, at talagang ang saya naming tatlo hanggang dumating ang iba pa naming mga kaibigan at sinabihan kami kung pupunta ba kami doon sa magaganap na Variety Show, at doon nga napagdesiayonan namin na pupunta at manood.

IMG_20220624_183039_225~2.jpg

Noong naka decide na kaming pupunta ay agad din kaming umuwi sa aming mga bahay at naghanda na dahil mga 5:00 ng hapon magsimula ang variety show at mga nasa oras na 4:30 na iyon. Mga nasa oras na 5:30 din ay nakabihis na kaming lahat at nandoon na sa highway upang maghintay ng bus na masasakyan dahil mga 30 minuto pa ang byahe papunta doon.

Sa wakas nga ay nakasakay na rin kami at pagdating namin ay nagsimula na, pero hindi pa ang nasabing variety show dahil nagsagawa muna ng Praise and Worship, mga nasa oras na 6:10 na iyon ng gabi.

Ilang saglit lang din ay natapos ang Praise and Worship at sinundan din ito agad-agad ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios na ang nagbahagi ay ang Senior Pastor ng Church na iyon na si Ptr. Ver. Sa bawat okasyon at mga fellowship hindi talaga mawawala ang mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat ito ang pinaka importante dahil ang mga Salita ng Dios ang pagkain ng ating Kaluluwa at nagbibigay sa atin ng lakas at pag-asa.

Screenshot_20220626-213626.jpg

Ngayon mga nasa oras na 7:30 na iyon ng gabi at oras na ng main event ng gabi at ito ay ang variety show na kung saan ang mga kabataan ng ilan sa daughter Church ng Church na iyon ay magbabahagi ng iba't ibang mga talento para sa Dios. Mga 4 na mga daughter Church din ang nagbahagi ng iba't ibang talento ay talagang ang galinh nilang lahat.

Screenshot_20220626-213651.jpg

Isa din sa pinaka exciting part ng Variety Show ay ang gagawing contest na Battle of the Band na kung saan merong 4 na mga contestants sa mga Daughter Church ang magtatagisang ng talento sa isang Banda at sila ay magtutugtog at kakanta ng dalawang Praise Song.

Itong gabi ding ito ay merong pangyayari na hindi ko inaasahan dahil sa unang pagkakataon ay kinuha ako bilang isa sa mga judge sa nasabing Battle of the Band contest. Talagang na shock ako dahil ngayon lang ako nila sinabihan na kukunin bilang judge dahil nga ang inembitahan nila na mag judge ay medyo masama ang nararamdaman. Noong una ay tinanggihan ko sila dahil hindi ako handa pero para sa Dios ay tinanggap ko na rin.

Doon nga ay nagsimula na ang contest at salamat sa Dios sa mga Band na sumali dahil ang galing nilang lahat at kahit na first time ko ito ay naging maayos naman ang lahat. Lahat ng mga banda ay magaganda pero isa lang talaga ang mananalo, at ang pinaka importante sa lahat ay ang ginawa nilang lahat ay para sa kaluwalhatian ng Dios. Bilang judge nga ay meron akong natanggap na Token of Appreciation na isang Mug, salamat sa Dios sa pagkakataon na ito.

IMG_20220624_214612_099~2.jpg

Mga nasa oras na 9:00 na iyon ng matapos ang Battle of the Band pero marami pang ibang mga presentation ang ginagawa habang naghihintay sa result. Habang abala nga ang lahat sa mga presentation, kinuha naman namin ang pagkakataon na kami ay makapag picture sa kanilang ginawang photo booth para remembrance din namin dito sa Variety Show na nangyari.

Mga nasa halos 10:00 na iyon ng gabi natapos ang Variety Show at dahil medyo gabi na at wala na kaming masakyang bus papunta sa amin ay doon na lang muna kami natulog sa bahay ng aming Pastor at aking pinsan na si Ptr @dodzz at talagang nag-enjoy kami doon. Salamat talaga sa Dios sa lahat ng mga nangyari sa buong araw mula pa noong nagbonding kami hanggang sa panunuod namin ng Variety Show, at ang lahat ng ito ay ipagpasalamat namin sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 3 years ago 

nindot lage ni pas na event.. dghan na sad daughter church d ay ..Praise God!

Congratulations your post has been upvoted by the diligent team of seven, with a 40% vote percentage. we support quality posts by using @steemcurator06 . Keep using the tags #thediarygame and #country , when you write this theme Post.

feedback : a day you really enjoy.
Note : Keep improving the quality of your posts, so you have a chance to become one of the 7 best weekly posts

Curated by @fantvwiki, June 28, 2022 .

 3 years ago 

Thank you very much... 😇