Steemit Philippines Community Photography Contest Week 3 | Ang Tinutoring ko nang Anak na isa sa mga Majorette noong Nagdaang Foundation Day bago ang Pandemya

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw po at mabuhay ang Steemit Philippines!

Medyo matagal-tagal na din na hindi ako nakapag post dahil sa mga pangyayari sa aking buhay pero nagpapasalamat ako sa Dios dahil balik na naman ako dito at isa na namang napaka gandang tema para sa Photography contest sa linggong ito na patungkol sa Family Culture.

image.png

Isa nga sa pinakahihintay na okasyon dito sa aming bayan ay itong foundation day na kung saan higit isang linggo ang selebrasyon nito at halos lahat ay sumasali sa mga ito. Itong litrato na ibinahagi ko ay ang unang anak nang aking asawa noong hindi paki mag-asawa pero tinutoring ko na rin siya bilang isang anak at tinatawag ko na rin siyang anak at naka suporta talaga ako sa kanya.

Kung inyong nakikita, ang aking anak ay naka suot nang costume bilang isa siya sa mga Majorette sa Banda nang kanilang eskwelahan. Itong kaganapang ito ay nangyari noong nakaraang 2019 bago pa nagkaroon nang pandemya at parang ngang na memiss na namin ito dahil mula noong nagka pandemya ay nawala na ang mga Banda na magtatanghal.

Isa nga sa kultara nang mga Filipino sa tuwing merong mga okasyon tulad na lamang nang Piyesta, Pasko, Foundation day at iba't ibang okasyon ay meron mga Banda na magtatanghal na pinangongonahan nang mga Majorette at karamihan sa mga ito ay galing sa mga eskwelahan na napaluob sa isang bayan at meron ding pagkakataon na ginagawa itong patimpalak.

Noong nakita ko nga na tungkol sa Filipino Culture ang tema, bigla kong naalala ito kasi kahit ako noong bata pa ako ay naging isang Majorette din ako at talagang na enjoy ko ang pagiging isang Majorette. Para bang nagbalik sa aking isipan ang mga ala-ala noong nakaraan at ang tanging dalangin ko na lang ay sana mawala na ang pandemya upang maibalik na ang mga nakasanayan natin tulad nitong mga kaganapan tuwing merong okasyon, kasi baka dumating ang panahon na makalimotan na nang mga bata ang experience na ito.

Talaga naman pong masayang alalahanin ang nakaraan at maibahagi ang mga kulura nating mga Filipino.

Hanggang dito na lang din po ako at maraming salamat po sa pagbabasa nang aking Photography Contest Week 3 entry.

Iniimbita ko na sumali sina @mae2020, @olivia08 at @autumnbliss

Ang inyong kaibigan;

@chishei2021

Sort:  
 3 years ago (edited)
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/375 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme7.5
2. Creativity7
3. Technique7.5
4. Overall impact7
5. Quality of story7.8
Total Ratings/Score7.36
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7.5
2. Creativity6
3. Technique6
4. Over all impact6
5. Quality of story7
6. Total score6.5