STEEMIT PHILIPPINES PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK # 6 - LIFE STORY -|| PAG-ALALA NG AKING YUMAONG AMA

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa inyong lahat. Ibabahagi ko ang aking entry ngayon sa contest na may theme na "Life Story" dito sa Steemit Philippines community.

Sa pagbisita ko sa komunidad na ito ngayong araw, nagdalawang isip ako na sumali dahil alam kong iiyak na naman ako ng marami. Kasi naisipan kong e entry ang ang alaala ng aking yumaong ama. Ngunit napagtanto ko rin na okay lang ang umiyak hahaha... tanda kasi iyon na namimiss mo siya. Kaya okay lang.

20211029_115646.jpg

Taong 2012 buwan ng marso ng pumanaw ang aking ama. Sa limang taon niyang dala-dala ang sakit niya sa taong iyon siya binawian ng kanyang buhay. Sadyang napakasakit ng mawalan ng mahal sa buhay. At isa pa sa lahat ng aking mga kapatid ako mas pinakamalapit sa kanya. Naalala ko pa noon sa tuwing sumapit ang aking kaarawan parati akong may bagong damit. At parati kami nagsisimba sa simbahan ng cordova. Malayo iyon sa bahay namin ngunit pinaghahandaan niya iyon palagi.

Isa siyang multi-tasking na tao at ama. At masyado kong pinagmamalaki iyon. Hindi siya nagkulang sa amin ng pangaral at ginagawa niya talaga ang lahat para kami ay mabuhay. Kung anu-ano ang naging trabaho niya. Kargador ng pier, carver, carpenter, gumagawa ng bookstand, vulcanizing personnel, gumagawa ng kainan ng baboy na gawa sa yero, at naging pedecab drayber pa nga. Sa trabahong iyon dun siya nagtagal. Hindi siya nauubusan ng paraan para maitaguyod kami.

20211029_125803.jpg

Ngunit tayo ay tao lamang at hiram lamang natin ang ating buhay sa diyos. Dumating yung oras na sumuko na ang kanyang katawan nagkasakit siya at mula noon bihira na lamang siya namamasada. Nagkapamilya na kaming magkakapatid. Sa di namin inaasahang pangyayari, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ng aking tata. Nagtampo ako sa aking tata. Ang tampong iyon ay nagtagal at dumating sa puntong lumuwas ako ng probinsiya. Lumayo ako sa kanila kasama ang aking mga anak. Isang taon din akong nanirahan doon.

Sa paglayo kong iyon ay masyado siyang nasaktan. Ni hindi siya nakatanggap ng tawag o text maski balita tungkol sa akin at ng aking mga anak. Sa isang taong paglayo sa kanya ay may napagtanto ako. Masyado akong nagpadala sa at tampo na nadarama ko noon. Kaya nang ma realisa ko bumalik ako sa amin. At napagpasyahan kong humingi ng tawad sa aking ama sa pagtatampo ko noon. Pinatawad niya ako sabay sabing okay lang yon. Pagdating namin sa bahay ay nagkwentuhan kami at nalaman ko kay mama na palaging bukambibig ni tata ang aking pangalan at mga anak. Sobra niya kaning namimiss.

Limang buwan ang nakalipas mula noong pag-uwi namin ay bumitaw na si tata. Binawian na siya ng buhay. Iyak ako ng iyak. At alam niyo ba masyado akong nagsisisi. Sana hindi na lang ako lumayo. Sana hindi na lang ako nagpadala ng aking tampo. Nakasama ko pa sana siya ng matagal. Nakilala pa sana siya ng aking bunsong anak na babae ng matagal. Ngunit huli na ang aking pagsisisi. May plano pa sana akong ipagamot siya sa mga espesyalista kapag naka abroad na ako. Ngunit wala na at hindi na pwede.

20211028_180123.jpg

ARAL:

Hindi natin maiwasan sa loob ng isang pamilya ang hindi pagka-kaintindihan. Subalit ang hindi pagka-kaintindihang iyon ay hindi masosolusyunan kung hindi ito pag-uusapan. Hindi solusyon ang paglayo dahil mas lalo lang itong pinabibigat ang sitwasyon. Kaya sa aking "tata reno" na nasa langit.. masyado na kitang namimiss...

Iniimbitahan ko na sumali at magpasa rin ng kanilang entry sina: @autumnbliss, @shikika, @yen80.

Ang nagbabahagi,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9
2. Creativity.9
3. Technique.9
4. Overall impact.9
5. Story quality.9
Total Rating9
 3 years ago 

Thank you sir juichi sa ratings.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa inyong entry sa contest na ito.

 3 years ago 

Walang anuman po. Maraming salamat din po sa suporta.

 3 years ago 

I also missed my grandfather.

Overall rating: 9.6