Diary Game Season 3 (12-02-21) Maligayang Kaarawan, Aking Ina | 20% Goes to @steemitphcurator
Mapagpalang araw sa atin lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.
Ang kaarawan ng ating mga magulang ay di dapat kalimutan ipag-diwang, napaka halaga ito para sa kanila lalo na sa edad nila, Pagpapakita ito ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila. Di man kailangan ang malaking selebrasyon ang importante mapa dama natin sa kanila ang ating tunay na pagmamahal. Dahil kung tutuusin sila ang unang nagmahal at nag alaga sa atin.
Syempre masayang masaya ang aking ina sa inihandang selebrasyon sa kaarawan niya. Hindi niya inaakala na magkakaroon ng handaan. Isa sa kapatid ko ang nagplano ng kanyang kaarawan at naging matagumpay naman ang kinalabasan.
Maliban doon karamihan ng mga kapatid ko nandoon at ang mga apo, kaya naguumapaw na kaligayahan at tuwa ang naramdaman ng aking ina. May mga natanggap din siyang mga regalo galing sa amin at sa mga kapatid ko. Syempre naging tradisyon na natin na kahit papano makapagbigay ng regalo pag may kaarawan, lalo na kung mahal mu ito sa buhay.
Ang mga inihanda ay mga karaniwan pagkain mga lutong bahay. Ang nagluto lahat ng ulam ay ang kapatid kung lalaki dahil yun talaga ang hilig niya magluto, marami siyang alam na menu. kaya di kami nahirapan.
Ang mga dumalo na mga bisita ay mga kapit bahay namin at mga kamag anak ko. lahat ay nag enjoy at nabusog.
Nagpapasalamat ako sa Diyos na kahit pitong put lima na ang aking ina biniyayaan siya ng magandang kalusugan at napakalakas pa niya.
Hanggang dito nalang, sana nasiyahan kayo sa maikli kung talaarawan.
Special Thanks:
#japansteemit
#steemitphilippines
I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!
God Bless!
@caydenshan
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary post dito sa @steemitphilippines.
Maligayang kaarawan din po sa iyong ina. 😊
thanks bro.
Happiest Birthday sa Mama mo Wow galing 75 na siya.
yes ate, malakas pa siya.. mga test niya normal..salamat sa Diyos.
Happy birthday to your Mom, bro!