Diary Game Season 3: April 16, 2021, Ang Aking Paglalakbay Sa Lugait, Misamis Oriental

in Steem SEA4 years ago

Magandang araw sa lahat lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa dito sa steemit diary, steemit philippines.
Nais ko pong isalaysay sa inyo ang mga mahahalagang pangyayari ng aking buhay sa araw ng Biyernes, April 16, 2021. Sa aking paglalakbay dadalhin ko kayo sa Lungsod ng LUGAIT,MISAMIS ORIENTAL. Sakto sa araw na iyon ay maghahatid ko ng mga Modules sa Senior Highschool, Lugait. Kaya nakapasyal ako sa ilang mga lugar ng Lugait.

kkkkkk.jpg
Makikita sa larawan na kuha ko ang aking pagbyahe papunta ng lugait sakay ng isang BAJA, isang popular na sasakyan dito sa amin.Mahigit 20 minutes bago ako nakasakay para makapunta sa naturang lugar. Pagdating ko sa Senior Highschool ng Lugait ay agad kong ibinigay ang mga modules ng pinsan ko doon sa guro niya.

jjjj.jpg
Dahil may kaunting paghihintay, ay kumuha ako ng letrato sa naturang paaralan. Ang larawan na kuha ko ay isang gusalina puro silid-aralan o classroom. Hanggang 4th floor ang naturang building at ang iba sa mga lugar dito ay para sa training ng welding at sa paglolotu gaya ng kurso na cookery. Sa gitna nito ay makikita ang hindi kalawakang playground para sa mga estudyante.

gggg.jpg
Ngayon, puntahan naman natin ang junior highschool ng Lugait, dito sa paaralang ito makikita ang mga ibat-ibang punong kahoy at malawak na lugar. At dahil holiday, kaya bawal pumasok sa loob ng paaralan kaya nasa labas lang ako kumuha ng letrato.

ssss.jpg

aaaa.jpg

Sunod kung pinuntahan ang malinis at malawak na creek, dito sa lugar na ito makikita ang maberdeng kulay ng ilog na kumukunekta sa daga. Magandang puntahan dito dahilmalapit lang ito sa daungan ng mga barko dahil ang lugar na itoay malapit lang sa cement corporation ng HOLCIM PHILIPPINES.

XXXX.jpg
Sunod kong pinuntahan ang sagradong lugar ng Lugait.Ang simbahan ng BERHEN NG NUESTRA SENIORA DE LA PAZ. Ito ang kanilang PATRON dito sa lugar. Nagdidiriwang sila ng pista tuwing buwan ng Marso. Makikita sa lugar ang malinis at kaaya-ayang puntahanng mga Deboto. Sa gilid ng simbahang ito makikita ang silid-aralan ng mga estudyanteng nag-aaral tuwing linggo o sunday school.

yyyyyy.jpg
Ang huli kong pinuntahan ay ang tindahan ng banana q. Dahil nagugutom ako , kaya nagpasya akong bumili ng banana q.

qqqq.jpg
Habang naghihintay na maluto ito, aliw na aliw naman ako sa tindera dahi magaling siyang umasekaso ng mga costumer. kaya natutuwa ako sa kanya.
Ilang lang ito sa magandang lugar na nandito sa lungsod.

At dahil sa pandemya kay hindi ko nakunan ng litrato ang Plaza, Munisipyo at ang kanilang LUGAIT ECO PARK. Dahil sa rason na naka lockdown ito. Pero sisikapin kong makapasyal sa susunod kung pwede na para mapagmasdan ninyo ang ganda ng ilan pang lugar.

At yun po ang mga masasayang araw ng aking buhay sa araw na iyon. Sana magustuhan niyo pa ang Diary ko. Maraming salamat at pagpalain tayo ng Panginoon.


Location:
Lugait, Misamis Oriental

Sort:  

Salamat sa pagbahagi bro..para na din akong nakarating sa misamis oriental.

 4 years ago 

Walang ano man ate.. 🤗🤗

silingan ra diay ta...

 4 years ago 

Wow, silingan ra diay ta sir? 😁😁

Wow nmn ganda pla jan sa lugar nyo

 4 years ago 

Salamat po ate.. 🤗🤗