Balagtasan 14 (Gantimpala)

in #filipinopoetry6 years ago

Gantimpala



Source

Lahat tayo ay may sariling bersyon,
Na pinagkaloob ang ating Tagapaglikha.
Mahirap o mayaman saan mang bansa o nayon,
Gantimpalang buhay ay kamangha-mangha.

Magsumikap sa pag-aaral tiyak may parangal,
Sa pagtatrabaho ng maihaon ang kahirapan.
Halagang natanggap mga pawis at kamay na marangal,
Makamit ang tila buhay may karangyaan.

Minsan sa bigat ng pinapasan buhay wawakasan,
Hindi yan solusyon problema'y di nauubos,
Bastat nabubuhay mayroong gabay't katapusan,
Gantimpalang ganap mararating din ng di naghihikaos.

Madaling isabi pero mahirap itong gawin,
Lalo na't wala kang kasama't makausap.
Hanap-buhay kasama dasal ay asikasuhin,
Dahil ang buhay araw-araw ay maraming nagaganap.

__________________________________________________________________

Iyong kaibigan,
@redspider