"PAG-IBIG NGA NAMAN" : ISANG TULA
Kung first love sino ba ang naaalala mo?
Ang puppy love kaya naranasan mo ba ito?
True love ito ba ay totoo?
Mga katanungan masasagot mo ba kaya ang mga ito?
Basta ang alam ko lang masaya at makulay ang kuwento ng pag ibig ko.
Una syempre nagsimula tayo sa pagiging kaibigan,
Pareho ang ating pinapasukang paaralan,
Nagtagpo ang ating paningin,
Nagpakilala ako sayo,
Di na mapalagay tibok ng damdamin.
Ngunit bata pa tayo noon,
Walang ibang inisip palagi kundi ang isa't isa,
Di mapakali kung hindi kita nakikita,
Kahiy buong araw naman ay magkasama.
Mga mapusok na damdamin,
Naging bulag at bingi din.
Di naniwala sa mga payo ng magulang,
Naging suwail, nagkamali,
Pagsisisi ay laging nasa huli,
Pinipilit ibinangon ang sarili.
At dahil sa ating kapusukan,
Di madali ang ating pinagdaraanan.
Lahat na siguro ay ating naranasan,
Gutom, puyat at walang maayos na higaan.
Lahat nang ito'y di tayo kayang ipaghiwalay.
Batang ama't ina
Tayo'y binatikos ng madla,
Maging ibang kapamilya man
tayo ay kinutya.
Nagsikap tayong itaguyod ang sariling munting pamilya,
Tinapos ang pag aaral at nagkadiploma.
Kahit kapit kamay tayong tumayo sa sarili,
Pilit parin bumabangon at itama ang kahapon.
Mga desisyon ay tinimbang ng maigi,
Takot na takot maulit ang mga pagkakamali.
Dumaan ang maraming taon,
Ang munting pamilya ang naging inspirasyon.
Matatag pa rin tayo sa isa't isa,
Laking pasasalamat sa Diyos nating Ama,
Pinagtibay niya ang ating munting pamilya.
Pawis, luha at dugo
Na nasa puso'y ipinangako,
Hanggang wakas ay di na mababago pero di kailanman susuko.
Mga pagsubok di magiging dahilan at di hahayaan na maging hadlang sa ating pag-ibig at pagiging matagumpay,
Lagi lang talaga tayong manalig sa ating Poong Maykapal.
Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @teardrops and also @purepinay. VOTE @steemgigs as your witness!