"Bilanggo"| Isang Tula
na nakalutang sa kalawakan ng kalangitan.
Pilit na nilalabanan
ang mga rehas upang
makawala sa pinagkakakulungan.
Ngunit hindi alam na ang rehas na nilalabanan ay rehas na hindi pangkaraniwan.
Ito ay rehas na mala higante sa laki.
Ito ay mga rehas ng tanong na hindi mahanap ang sagot sa tabi tabi.
Nakaposas sa kagustuhang
maibalik ang dati.
Nakakadena sa nakaraan at pagsisisi.
Katulad ng hangin na daplis lang ang hawak sa aking balat, ikaw rin ay nawala sa isang iglap.
Katulad ng isang bilanggo na naiwan sa kweba ng tanong at pagdududa, ako ay nag-iisa.
Ako ba ay isang preso?
Isang bilanggo?
Oo, isa nga akong bilanggo yan ang aking alam.
Sa loob ng ala-alang "Ikaw at ako" ang aking bilangguan.
Isa nga akong bilanggo.
Bilanggo ng pag-ibig.