"Alamat ng Makahiya" | My Filipino poetry
Katha ni:@blessedsteemer
May isang alamat ikaw raw ay makahiya,
Na nanggaling ka raw sa dalagang mutya.
Halos hinahangaan ka ng buong madla,
Dahil sa angking mong hinhin at taglay na ganda.
Nakipagtipan ka raw sa isang makisig na binata,
At minahal mo siya ng buong pagsinta.
Ngunit sa kasawiang palad,
Pangako niya sayo ay di natupad.
Ibinigay mo ang iyong buong pagtitiwala,
Sa isang binata na akala mo tapat sa pangako't sumpa.
Ang mangingibig mo'y biglang nawala,
Hindi ka sinipot ikaw ay lumuha.
At dahil sa kabiguan na iyong naransan,
Halos isumpa mo ang kalangitan.
Nagtatanong kung bakit no ito dinanas,
Na samantalang ikaw lamang ay nagmahal ng tapat at wagas.
Halos araw gabi ikaw ay nasa inyong tagpuan,
Nagbabakasakali ka na siya ay masumpungan.
Ngunit dahil sa depresyon at kalungkutan,pinagtuturok mo ang iyong katawan ng aspileng taglay taglay,
At pagdating ng dilim ikaw ay namatay.
Lumipas ang araw at mga buwan,
May isang kakaibang halaman na tumubo sa iyong pinaglibingan.
At nagulat ang buong bayan sa natuklasan,
Dahil ang umusbong na halaman, ay taglay ang hinhin,kariktan at iyong katapatan!
Maraming salamat sa pagbasa ng aking munting tula. At sana po ay nagustuhan nyo ang konsepto ng aking simpleng akda.😊
Hanggang sa muli!🙋
@blessedsteemer🙏