Ang pagbabalik ng paligsahan na para sa mga Pilipino: Literaturang-Filipino - Paligsahan sa paggawa ng Maikling Kuwento. Karagdagan ng Linggwaheng Cebuano/Bisaya (Contest#1)

in #cebu7 years ago

U5dr1VmpXMbZFnjpxe9CgW3MRywTGfY_1680x8400.png

Lubos ang aming kagalakan dahil napag-desisyonan ng @steemph.cebu na magsagawa ulit ng mga paligsahan na naglalayun na maiangat ang linggwaheng Pilipino sa steemit. Ito ay isa sa mga paraan para magkaroon ng inter-aksyon ang mga Pilipinong steemian sa isa't isa sa pamamagitan ng paggawa ng mga akdang o mga literaturang nailimbag sa wikang Filipino.

Importanteng Bagay

Dahil lumalaki na ang bilang ng mga steemian na nabibilang sa @steemph.cebu na kabilang din sa @steemph, gusto naming mapalawak ang intensyon ng steemph.cebu na maipakita ang kakayahan ng mga Cebuano. Kaya naman, hinihikayat namin kayo na gumawa ng lathala na puwedeng isumite sa paligsahang ito na nakasulat sa linggwaheng Cebuano o Bisaya. Ito ay para ang lahat ng mga Cebuano ay may tsansa na sumali at manalo dahil hindi lahat ng Cebuano ay marunong o mahusay sa salitang Filipino.


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Mga linggwaheng puwede gamitin:

  • Filipino/Tagalog
  • Cebuano/Bisaya

Tema ng Kuwento

  • Kuwento ng Tagumpay

Mga kuwento ng tagumpay sa buhay o mga karangalang natamo. Ito ay puwedeng fiction o non-fiction. Ito ay dapat hindi lumagpas sa 500 na salitang gagamitin at hindi rin bababa sa 300 na salita.


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino o wikang Cebuano
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #kuwentongtagumpay
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Higit sa lahat sundin ang mga nakasaad na alituntunin!


Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Sort:  

Nakabuhat nakog tagumpay sakong kinabuhe ginagmay Lang hehehe

I'll be joining :)

Thanks for this project i'll be joining.

nindota i apil ani oi.....apil ko beeeeehhh

Hello, @steemph.cebu .

Muapil sad ko pero naa lang koy pangutana, wala pa lagi na-announce ninyo ang winners sa last ninyo na contest about gihapon siya sa story writing contest.

Salamat. :)

Hi @iluvmycielo,salamat sa paghatag ani nga concern. Nakita man gud namo nga ang tanang entry sa niagi nga contest kai wala musunod sa mga guidelines. Salamat sa pagsabot.

Ah okay. Salamat sa pagtubag. :)

Nindota eh apil ani oi..

Count me in😂😂😂

Naka himo nasad ko og storya sa kwento ng tagumapy hinaot nga makauyon mo salamat