How did I get into Crypto

in #blog6 years ago (edited)




To all my non-Filipino followers, I would love to see you guys on-board but my stories are made mainly for my co-filipino citizens and for me to share my cryptocurrency experiences and insights in the most entertaining way possible. I admit that the international market on blogging here on steemit is huge but that is not the reason why I am here. Join me as I tell you my crypto stories.


Isang mainit na umaga at tanging sampung piso lamang ang nasa bulsa, naisipan kong maghanap ng trabaho online sa kadahilanang naubos na ang perang ginastos sa mga interview na hindi naman naging maganda. Naisip kong nakakapagod na, parang kalunos-lunos na yata ang sitwasyon ko at wala na akong magagawa pa pero tuloy pa rin, kailangang tuloy parin, hindi ko naman ikakaila na marami namang taong nakakaranas din ng ganito kaya ayos lang naman siguro.

Pero balik sa kwento, naghahanap ako ng maaaring trabaho gamit ang aking sampung piso, nakahanda na ang resume na ipapasa online, sa pisonet ko unang nakita ang ad na "Sign up and get FREE 75 ATS (authorship)worth 10$" at doon ko unang nadiskubre ang mundo ng cryptocurrency.

Naisipan kong pwede pala akong kumita dito kaya't nag-sign up ka agad ako, yung mga natira ko pang oras ay ginugol ko para mag research kung paano ba maki-claim ang reward at kung paano ko mahahawakan bilang peso ang "ATS" na iyon. 

Sa mga hindi pa pamilyar sa kung papaano magiging peso o pera ang cryptoccurrency, magbibigay ako ng steps na aking eksaktong ginawa nuon.

1. Nanuod ako ng video kung papaano gumawa ako ng ethereum wallet. 

~ Dito ko isto-store ang aking ATS tokens na maaari kong ipalit sa ethereum

2. Gumawa ako ng coins.ph account.

~ ang app na ito ay tumatanggap ng bitcoin na maaari mong i palit sa peso at i-withdraw sa Cebuana Lhuillier at iba pa.

3. Dahil sa wala pa akong alam nuon, nagresearch muna ako kung papaano icoconvert ang ATS papuntang Ethereum, Ethereum papuntang Bitcoin, Bitcoin papuntang Peso, at Peso papunta sakin.

4. Ubos na yung sampung piso na tinutukoy ko kanina(In case you wonder). Pagkatanggap ko ng aking ATS token ay inimport ko ito sa exchange na kung tawagin ay etherdelta at duon ko ito ipinapalit sa ethereum.

5. Hindi tumatanggap ng ethereum ang coins.ph nuon at kung kaya't pinapalitan ko pa ang aking ethereum sa bitcoin gamit ang exchange na kung tawagin ay hitbtc.

6. Gamit ang aking bitcoin na inilagay sa coins.ph ay nawithdraw ko na ang kauna-unahan kong pera sa crypto.


Hindi kalakihan ang aking unang pera sa crypto, siguro ang una kong na withdraw ay 150pesos lamang, pero hindi ako tumigil at sa ngayon ay ito na ang bumubuhay sa akin.

Nuong una palang, naisipan ko na kung papaano ako kikita ng mas malaki dahil ang sabi nga sa ad ay "Sign up and get FREE 75 ATS (authorship)worth 10$", nag sign-up ako gamit ang 50 accounts "truestory" kung kaya't maaari akong kumita ng "500$", diba sulit? Pero dahil nga nandito tayo sa mundo ng crypto, hindi ganuon kalaki ang aking kinita.

Fast forward tayo. Pagkatapos nuong una kong pag withdraw ay hindi na ako tumigil sa paghahanap ng pagkakakitaan gamit ang crypto, sunod kung ginawa ay nag sign-up sa mga airdrop at maghalong pait at tamis ang naging bunga. Gamit parin ang parehong paraan para mas kumita nga ng malaki, nag sign up pa din ako gamit ang madaming account, masasabi nyong madaya at tama nga naman kayo pero atleast kumita ako at sign-up lang din naman ang kailangan kaya madali lang. 

Madami akong airdrop na nasalihan, pinakamalaki duon ay iyong ethereum blue, 40,000 ang nakuha ko at sadyang kaba ko nuon at tuwa, ibinenta ko lahat kapalit ang 40,000Pesos, iyon ay ikalawang buwan ko na at nagamit ko pambili ng computer. Ang 40,000 ethereum blue na iyon ay kalaungan naging 2,000,000 piso ang halaga, ang gara diba? Sana nakabili na ako ng bahay pero hindi, naibenta ko na at sayang pero masaya, tinatanaw ko nalang iyon na magandang ala-ala.

Sa ngayon ay patuloy pa din ako dito sa mundo ng crypto at medyo malaki na din ang kinita. Nakapagpatayo na ako ng maliit na opisina kung saan ako nagtatrabaho, marunong nadin akong mag-trade, at iba pa. Malaki na ang kinita o kinikita kumpara sa normal na trabaho dito sa Pilipinas kung kaya't masasabi ko na may dahilan ang lahat. Yung sampung piso, yung pisonet, yung ad kung saan ako nakakuha ng ideya, may dahilan lahat yun at sana maging ganuong dahilan din ako sa iba, sana makatulong, sana. Truestory.

Sort:  

Congratulations @batangcrypto! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!