Paggamit ng dalawang account gamit lang ng isang browser / Using two accounts in one browser - Filipino

in #utopian-io7 years ago

I have created already a tutorial in English for this and will create a Filipino language of the same kind of tutorial , i will be re-using all the images.

May mga sitwasyon na dalawa kayong gumagamit sa computer at yung computer ay isa lang ang browser.
Sa pagtuturo na ito ay makikita natin na pwedeng magsabay ang dalawang account sa iisang computer at browser lamang ang gamit. Mas mabuti ito kapag marami kayong gumagamit.

Paggamit ng Google Chrome Browser

image.png
Gamitin mo muna yung una mong browser na google chrome para ma-login mo yung account mo. Dapat naka tsek yung Keep me logged in para hindi ma logged out yung account mo kahit na malayo ka sa keyboard mo o wala ka sa computer mo.


Sa imahe na ito ay makikita natin na naka pasok na sa iyong account gamit sa browser na Google Chrome.


Sa pinaka gilid sa Google Chrome browser mo, may makikita ka na simbolo na nasa imahe, e-click mo ito at may lalabas na bagong pagpipilian.


Sa pagpipilian , piliin mo ang New incognito Window para bumukas ang bagong session ng iyong browser.


Pag nagbukas na ang browser, may makikita kang hugis tao na simbolo, ibig sabihin ay nakatago yung account mo at hindi ito nagiipon ng mga cookies at cache sa browsing mo.


Tapos ay e-login yung ibang account, ganun pa din dapat naka tsek yung Keep me login para hindi matanggal yung session mo.


Pagkatapos nyan ay makikita natin na naka bukas na yung pangalawang account , makikita ang imahe sa ibabaw.


Sa imahe na ito ay makikita natin na nakapagsabay na ang dalawang account , yung isa ay nasa unang browser at yung isa ay nasa pangalawa "incognito mode".

Paggamit ng Mozilla Firefox Browser


Ngayon naman ay gamit ang mozilla firefox para magbukas ng iyong account.


Dito makikita natin na tagumpay na nakapag-login ang iyong account.


Ngayon naman ay bubuksan mo na ang pangalawang account .Hanapin yung simbolo sa ibabaw na bahagi sa iyong mozilla firefox browser at e-click ito.


Pag na click mo na ito ay may makikita kang New Private Window, piliin mo ito para may mag bukas na bagong page.


Mag login ka din sa bagong browser na nagbukas ganun pa din pareho sila ng Google Chrome browser na naka tago sila at hindi ito tumatanggap ng mga cookies and cache sa iyong pag browse.


Sa imahe na makikita natin sa itaas ay magkaparehong naka pasok ang dalawang account sa iisang browser lang yung ginagamit na mozilla firefox, yung isa ay iyong unang browser, yung pangalawa ay nakatago.

Ano ang mga benepisyo na makukuha mo sa paraan na ito?
-Pwede kang gumamit ng isang computer habang may dalawa kang account na ginagamit

  • Pwede kang gumamit ng isang browser lang habang may dalawa kang account na ginagamit
  • Mas mabuti at maganda ang paraan sa paggamit ng account mo sa browser.



Open Source Contribution posted via Utopian.io

Sort:  

Nice bro..please upvote me

follow me and you

Good work

Your contribution can't be approved. See the Utopian rules. You can write only one post about one tutorial. The contributions must be unique. And post translations are not allowed in Utopian.

https://utopian.io/utopian-io/@robin-ho/two-steemit-accounts-while-using-one-browser-application-while-keeping-login-status

You can contact us on Discord.
[utopian-moderator]

ok @espoem, thank you for checking.